_ngayon
^

Metro

8 sa kidnap for ransom arestado, biktima nasagip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
8 sa kidnap for ransom arestado, biktima nasagip
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station 14 (PS-14) commander, Lt. Col. Jeffrey Bilaro, ang mga naarestong suspek na sina Jaypee Mangalindan, 22; Ralph Garma, 29; Rustom Laurencio, 22; at Realan Labto, 33; Glenn Garcia, 26; July Monterde, 20; Joel Mariano, 35; at Carlo Villador.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walong katao na sangkot sa kidnap for ransom ang naaresto ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, kamakalawa habang matagumpay rin nilang nasagip ang dayuhang dinukot ng mga ito at tinangkang ipatubos sa kanyang pamilya sa China.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station 14 (PS-14) commander, Lt. Col. Jeffrey Bilaro, ang mga naarestong suspek na sina Jaypee Mangalindan, 22; Ralph Garma, 29; Rustom Laurencio, 22; at Realan Labto, 33; Glenn Garcia, 26; July Monterde, 20; Joel Mariano, 35; at Carlo Villador.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw kamakalawa  nang maaresto ng mga tauhan ng PS-14 ang mga suspek sa loob ng JAS Salon and Spa na matatagpuan sa  Samat Road Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit.

Nauna rito, noong Hulyo 29, ganap na alas-8:00 ng gabi ay nakipagkita ang biktimang si Qin Zhi Xuan, isang Chinese national, sa kanyang nobyang si Monterde, na isa sa mga suspek.

Matapos kumain, dinala umano ni Monterde ang biktima sa JAS Salon and Spa, kung saan narooon ang iba pang suspek.

Dito umano nila piniringan, itinali at ikinulong ang bikti-  ma, at kinuha pa ang dalang cash nito na 20,000 RMB.

Sa pamamagitan ng cellphone ng biktima, kinontak ng grupo ang pamilya nito sa China at saka nanghingi ng ransom kapalit ng kala-yaan nito.

Natanggap na umano ng mga suspek ang ransom mo-ney na 60,000 RMB mula sa pamilya nito, sa pamamagitan ng Alipay Chinese account.

Gayunman, lingid sa ka­alaman ng mga suspek, mayroong isang confidential informant ang nagsumbong             sa mga tauhan ng PS-14 hinggil sa naturang pangingidnap sa dayuhan at itinuro kung saan nila ito itinatago.

Agad na nagsagawa ng rescue operation na nag­resulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakasagip sa biktima.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek na si Laurencio ang isang caliber Colt .45 pistol At mga bala.

Samantala, narekober rin ng mga awtoridad sa harapan ng naturang salon ang isang Mitsubishi Mirage siyang ginamit ng mga suspek sa pagdukot sa biktima.

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with