_ngayon
^

Metro

Rider, itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang rider matapos barilin ng isa sa grupo ng kalalakihan sa An-da Circle, sa 13th Street, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Staff Master Sgt. Boy Nino Baladjay ang biktimang si Leopoldoi Dayawa Jr., residente ng Samar St., San Jose, Navotas City.

Sa imbestigasyon ng   Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nadatnan ng pulisya ang biktima na naliligo na sa sariling dugo habang nakabulagta sa kalsada sa tabi   ng kaniyang motorsiklo.

Nakitaan ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima.

Ayon sa isang Christopher Mingoy, vendor, matutulog na sana siya nang makarinig ng isang putok ng baril. Nang alamin kung saan nagmula ay nakita niya ang isang lalaki na inagaw pa ang hawak na cellphone ng biktima bago tuluyang tumakas kasama ang iba pang kasabwat.

Patuloy pang inaalam  ang motibo at kung sino ang mga responsable sa kimen. =

 

BULAGTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with