_ngayon
^

Metro

Hindi bakunado, pwede pa ring lumabas - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Hindi bakunado, pwede pa ring lumabas - PNP
Vendors, delivery drivers and others who work at the night market in Divisoria, Manila wait for their turn to be inoculated with the COVID-19 vaccine on July 5, 2021 as the local government starts their night vaccination program which will cater to individuals who cannot go to inoculation sites during daytime.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi  ng  Philippine National Police (PNP) na  hindi nila pipigilang lumabas ang mga taong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar  bilang tugon sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na manatili na lang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga ayaw magpabakuna.

Paliwanag ni Eleazar, ang sinabi ng Pangulo ay paraan lamang upang kumbinsihin ang lahat  na magpabakuna  bilang proteksiyon sa COVID-19.

Idinagdag pa nito na marami pa rin ang nagdududa sa  bakuna subalit ito lamang sa ngayon ang posibleng  solusyon bukod pa sa mga health protocols  para makaiwas sa virus.

Nanawagan naman si Eleazar sa mga tumatanggi pa rin na magpabakuna, na makinig sa payo ng mga health experts na epektibo ang bakuna laban sa CO­VID-19, kabilang ang Delta variant.

Patuloy lang ipatutupad ng PNP ang mga takdang health protocols sa ano mang estado ng community quarantine na idineklara ng Inter-Agency Task Force.  

 

 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with