^

Metro

Quarantine pass, ipapatupad uli sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Quarantine pass, ipapatupad uli sa Maynila
Sa inilabas na memorandum ng Manila Barangay Bureau (MBB), inatasan ang mga punong barangay at iba pang opisyal na gu­mamit muli ng quarantine pass bawat pamilya na magagamit sa pagbili ng pangangailangan nila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng quarantine pass sa bawat pamilya sa implementasyon muli ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa inilabas na memorandum ng Manila Barangay Bureau (MBB), inatasan ang mga punong barangay at iba pang opisyal na gu­mamit muli ng quarantine pass bawat pamilya na magagamit sa pagbili ng pangangailangan nila.

Isa lamang ang ibibigay na quarantine pass kada pamilya ngunit hindi na umano ito kailangang pirmahan pa ng Manila Police District station commander na nakakasakop sa barangay.

Magpapatupad rin ng ‘odd-even scheme’ sa pamimili ng mga residente upang hindi magkasabay-sabay at magsiksikan sa mga pamilihan.

Bukod dito, maaari lamang makalabas ng bahay ang mga authorized person outside residence (APOR).  

Maaari ring makalabas ang mga walang hawak na quarantine pass kung magpapabakuna at makapagpapakita ng QR codes o waiver na katunayan ng kanilang iskedyul ng pagpapabakuna.  

“In line of this, you are directed to encourage your constituents to get vaccinated as soon as possible,” ayon pa kay MBB OIC-Director Romeo Bagay.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with