_ngayon
^

Metro

Metro Manila mayors winelcome ang paiiraling ECQ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Metro Mayors sa mabilis at naaangkop na pagkilos para ipatupad ang gene­ral community quarantine (GCQ) with heightened and additional restrictions simula kahapon hanggang Agosto 5, at ang kasunod na enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6-20.

“The imposition of this quarantine classification is timely, thanks to the national government for granting our request,” ani Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Malinaw aniya, sa graph na ipinakita ni Pre­sidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ang COVID-19 Delta variant ay mas madaling makahawa at mas mabilis din ang pagkalat kung magiging kampante at mananatili sa status quo.

Alam naman aniya ng MMC na hindi pa sapat ang mga paghihigpit at quarantine status para labanan ang virus kaya nagsasagawa uli sila ng pulong kagabi upang talakayin ang ibang kinakailangang hakbang upang mas mapigilan ang pagkalat ng  Delta variant at mapagtagumpayan ang pagnanais na malabanan ang virus sa loob ng dalawang linggong ECQ period.

Dahil na rin sa kahilingan na madagdagan pa ng suplay ng bakuna, mas paiigtingin pa ng local government units (LGUs) ang pagbabakuna, mas marami ang maturukan sa bawat araw, upang makamit  ang proteksyon ng mamamayan sa National Capital Region sa lalong madaling panahon, bilang sentro ng pandemya.

Apela pa ni Abalos sa publiko na maging bahagi ng solusyon at matulungan ang pamahalaan dahil hindi naman aniya, kakayanin ito kung hindi makikipagtulungan ang mamamayan kahit sa simpleng pananatili lang sa loob ng bahay.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with