^

Metro

Nagpanggap na NBI agent, huli sa pangingikil

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nagpanggap na NBI agent, huli sa pangingikil
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor ang nadakip na si Charlestone Mesa Canales, ng Brgy. Lourdes, Quezon City.
STAR/FIle

MANILA, Philippines — Mismong mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nanghuli sa isang pekeng ahente na nangikil ng may P200,000 sa isang negosyante sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Quezon City .

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor ang nadakip na si Charlestone Mesa Canales, ng Brgy. Lourdes, Quezon City.

Sa naantalang ulat ng NBI-Public Information Office, humingi sa kanila ng saklolo ang isang negos­yante makaraang hingian siya ng suspek ng P200,000 na tinawag niyang ‘mobilization fee’ para tulungan siya na mahabol ang isang seller ng dumptruck na hindi tumupad sa kanilang kasunduan sa kabila ng pagbabayad ng downpayment.

Nagduda ang negosyante na hindi talaga ahente ng NBI ang kaniyang kausap kaya nagdesisyon siyang personal na dumulog sa ahensya.  Nang makumpirma na hindi nila tauhan si Canales, nagkasa na ng entrapment operation ang NBI-SAU at nakipagkasundo ang biktima sa suspek na magkita upang bayaran ang inisyal na P100,000.

Nagtagpo ang biktima at suspek sa parking lot ng isang bangko kung saan ibinigay ng negosyante ang marked money.  Nang aabutin ito ni Canales, dito na sumulpot ang mga tauhan ng NBI at ipinatupad ang pag-aresto sa kaniya.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong Robbery Extortion, Usurpation of Authority at paglabag sa RA 9485 o Anti-Red Tape Act of 2007 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

 

 

 

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with