_ngayon
^

Metro

Pekeng dentista timbog sa entrapment sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip kahapon ng umaga sa entrapment operation ang isang pekeng dentista habang nagsasagawa ng dental procedure sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District-District Special Operations Unit of Northern Police District (NPD-DSOU) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance agent at residente ng Brgy. 73 Zone 7 Caloocan City.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang operasyon ay nag- ugat sa reklamo ng Phi­lippine Dental Association (PDA) kasunod ng impormasyon na natanggap hinggil sa illegal practice na ginagawa ni Meneses sa loob ng kanyang bahay na nagsilbi bilang dental clinic.

Agad inatasan ni Hidalgo si Dimaandal na beripikahin ang reklamo at matapos makumpirma, agad na inilatag ang entrapment operation sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon dakong alas-11:15 ng umaga.

Kasama ang isang dentista mula sa PDA na si Dr. Narisa Ragos na nagsilbing poseur-patient, dinakip ang suspect habang nasa aktong nagsasagawa ng  dental procedure.

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang ilang dental materials katulad ng upper impression tray, alginate impression, alginate powder, plaster spatula, mouth mirror at record chart.

Nabigo rin ang suspek na magpakita ng mga legal na dokumento upang mapatakbo ang kanyang dental clinic tulad ng certificate of registration, professional identification card at iba pa at sa halip ay nagpasya itong manahimik.

Kasong paglabag sa R.A 9484 otherwise known as The Philippine Dental Act of 2007 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with