_ngayon
^

Metro

COVID-19 reproduction number sa NCR, tumaas ng 1.35 – OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 reproduction number sa NCR, tumaas ng 1.35 â OCTA
Ang mga healthworker habang nakasuot ng protective gear na nag-ikot sa pasilyo sa Barangay San Dionosio sa Tramo 2, sa Parañaque City na kabilang sa dalawang lugar na isinailalim ng lokal na pamahalaan sa granular lockdown matapos na dalawang residente dito ang nagpositibo sa mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tumindi pa ang hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nang pumalo sa 1.35 ang reproduction number nang pagkalat ng virus mula nang pumasok sa bansa ang Delta variant.

Ayon sa independent group na OCTA Research Group, ang pagtaas ng reproduction number ay naitala mula July 22 hanggang July 28, habang ang average ng bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw ay umabot sa 29% o 1,041.

Ang reproduction number na one (1) o mas mataas pa ay indikasyon ng patuloy na mabilis na pagkalat ng virus. Umaabot naman ang positivity rate sa NCR sa 8%.

Ayon sa OCTA, patuloy namang nasa safe levels ang hospital bed utilization at ICU utilization batay sa Department of Health indicators pero ang bilang ng COVID-19 hospital beds na okupado ng pasyente ay tumaas sa 51 kada araw sa nakalipas na pitong araw.

Sa ngayon ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na may heightened restrictions.

NCR under GCQ with heightened restrictions from August 1 to August 15, 2021.

President Rodrigo Duterte has approved the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases’ recommended hanggang August 15.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with