_ngayon
^

Metro

Foul na gamitin si Hidilyn sa black propaganda - Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Foul na gamitin si Hidilyn sa black propaganda - Mayor Joy Belmonte
Philippines' Hidilyn Diaz competes in the women's 55kg weightlifting competition during the Tokyo 2020 Olympic Games at the Tokyo International Forum in Tokyo on July 26, 2021.
AFP/Chris Graythen, pool

MANILA, Philippines — Tinawag na ‘foul’ ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paggamit ng kanyang mga kalaban sa pulitika kay historic Olympic gold medalist Hidilyn Diaz upang makapagpalabas lamang ng blackproganda laban sa kanya.

Ayon kay Belmonte, nakalulungkot na habang nagkakaisa ang buong bansa dahil sa karangalang iniuwi ni Diaz sa bansa, ay may ilan namang nagsasamantala dito at ginamit ang pagkakataon upang makapamulitika.

Nanindigan din si Belmonte na hindi na dapat pang idamay si Diaz upang gumawa ng kasinungalingan at siraan siya.

“Nagkaisa ang buong bansa dahil sa karangalang ibinigay niya sa bawat Pilipino, ngunit ginamit ninyo ito para sa masamang pamumulitika. ‘Foul’ po ang tawag diyan,” anang alkalde.

Nauna rito, naglabasan sa social media ang isang congratulatory poster kung saan makikita na mas malaki pa ang larawan ng alkalde kumpara sa larawan ni Diaz.

Ayon kay Belmonte, peke at hindi galing sa kanilang kampo ang naturang congratulatory message.

“While it is true that I join the rest of the country in ce­lebrating the historic Olympic gold medal win of Hidilyn Diaz, it is absolutely untrue that the fake “congratulatory message” using my picture (and now circulating online) came from me, or anyone from the Quezon City government,” aniya pa.

“In a way, it is somewhat understandable that as the elections draw nearer, malicious individuals will sadly engage in more black propaganda and smear campaigns. Pero sana naman po, hindi na ninyo dinamay si Hidilyn Diaz upang gumawa ng kasinungalingan at siraan ako,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nanawagan din naman ang alkalde sa mga Pinoy na patuloy na magkaisa sa likod ng tagumpay na iniuwi ni Diaz para sa mga Pinoy.

“In the meantime, let us all continue to unite behind the spirit and ideals that Hidilyn exemplified, as she symbolically lifted an entire country last July 26: diligence, determination, patriotism, and the will and passion to achieve her dreams,” panawagan pa niya. “Mabuhay ka, Hidilyn! Mabuhay ang Pilipinas, at Mabuhay po tayong lahat.”

Samantala, gawa-gawa lamang umano ng mga desperadong politiko ang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita hinggil sa lumabas na congratulatory poster ni Mayor Belmonte kay Olympic gold medalist na si Diaz.

Ito ang naging pahayag ni Patricio Mangubat ng Kilusang Patriotiko, kasabay nang pagkondena sa nagpalabas ng pekeng congratulatory poster na nagsabing huwag yurakan ang karangalang dinala sa bansa ni Hidilyn sa paraang hindi ito dapat gamitin sa maruming kalakaran sa politika.

Sinasabing ginagamit ng mga kalaban sa politika ni Mayor Belmonte, ang usapin sa pagkapanalo ng ginto ni Hidilyn Diaz sa Olympics para siraan ang alkalde.

Ayon kay Mangubat, naniniwala silang hindi magagawa ni Mayor Belmonte na isnabin ang sinumang indibidwal na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.

Si Diaz na ngayon ay nakabase sa Zamboanga ay minsa’y naging residente din ng Quezon City.

HIDILYN DIAZ JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with