_ngayon
^

Metro

595 na babaeng preso sa Quezon City Jail, bakunado na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
595 na babaeng preso sa Quezon City Jail, bakunado na!
This photo taken on March 27, 2020 shows prison inmates at the crowded courtyard of the Quezon City jail in Manila.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Nabakunahan na laban sa COVID-19 ang lahat ng 595 bilanggo sa Quezon City Jail Female Dormitory.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang naturang mga inmates ay binakunahan sa isinagawa nilang mass vaccination sa loob ng jail facility kahapon.

Ang mga naturang inmates ay nabigyan ng first shot ng Sinovac vaccine na gawa sa bansang China.

“BASTA BAKUNADO, PROTEKTADO!  All 595 Persons Deprived of Liberty (PDL) of Quezon City Jail Female Dormitory have received the first shot of Sinovac during the mass vaccination conducted inside the jail facility today, July 29, 2021,” anunsiyo pa ng BJMP .

Anang BJMP, layunin nang pagbabakuna na matiyak na protektado laban sa virus maging ang mga PDLs.

Matatandaang mas mabilis na kumalat ang COVID-19 sa loob ng mga bilangguan dahil na rin mahirap magpatupad ng physical distan­cing sa mga inmates doon.

BJMP COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with