_ngayon
^

Metro

Unang kaso ng Delta variant, naitala sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Malabon LGU ang mga residente kasunod ng kumpirmasyon na nakapasok na sa lungsod ang kinatatakutan na Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Malabon City Mayor Lenlen Oreta, inabisuhan na niya ang mga kapitan ng iba’t ibang barangay tungkol sa naitalang kaso sa Delta variant

Aniya, naka-isolate na anya ang pasyente na nagpositibo sa Delta variant pati na rin ang naging close contacts nito. Umaabot sa 14 katao ang dapat na sumailalim sa contrat tracing.

Tiniyak naman ni Oreta na patuloy na kikilos ang City Health Office at iba pang mga opisina upang makontrol ang paglobo ng kaso. Hindi rin magpapabaya ang lungsod sa mga ayuda na dapat na ipamahagi.

Papaigtingin din aniya ang ginagawang contact tracing, isolation at vaccination upang maprotektahan ang publiko.

Apela naman ni Bong Padua, ang hepe ng Public Information Office ng Malabon sa publiko na sundin ang minimum health standards upang maiwasan ang sakit.

Ayon kay Padua, walang kasiguraduhan na na hindi tatamaan ng virus ang isang fully vaccinated na. Aniya, mas makabubuting manatili na lamang sa kanilang bahay upang maiwasan na mahawa o makahawa.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with