_ngayon
^

Metro

82 fully-vaccinated cops, nagpositibo sa COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
82 fully-vaccinated cops, nagpositibo sa COVID-19
Kaugnay nito, pinayuhan din ni Yarra ang publiko na iwasan muna ang pagtungo sa tanggapan ng PS-3 upang makaiwas sa nakahahawang sakit.
Walter Bollozos/File

Ilan nag-duty pa sa SONA

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na 82 fully-vaccinated na tauhan nila na nakatalaga sa Talipapa Police Station 3 (PS-3), kung saan 51 sa mga ito ay nag-duty sa katatapos na huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang nagpositibo sa COVID-19.Ayon kay QCPD Director PBGen. Antonio Yarra, ang mga naturang pulis, na pawang asymptomatic naman, ay kasalukuyan nang nasa mga quarantine facilities.

Ang iba pang mga kasamahan ng mga ito na nagnegatibo sa virus ay nag-self isolation na rin.

“Sila ngayon ay nasa qua­rantine facilities na at ‘yung the rest na nag-negative ay nag-oobserve ng self-isolation sa office sa kanilang places of assignment at advise na mag-observed sa kanilang sarili for possible symptoms,” ani Yarra.

Sinabi ni Yarra na sumailalim sa RT-PCR Test ang 184 tauhan ng QCPD PS-3 noong Hulyo 23, ngunit nitong Martes lang lumabas ang resulta ng kanilang pagsusuri at dito natuklasang 82 sa kanila ang nagpositibo sa virus.

Kinumpirma rin ni Yarra na sa kabuuang 184 na tauhan ng Station 3 ay 94 sa mga ito ang nag-duty pa sa SONA ni Pangulong Duterte noong Lunes at karamihan ay nakatalaga bilang Route security sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

“May mga kasama sa kanila na nag-duty sa SONA, actually ang talagang na-involved lamang sa SONA ay kalahati lamang ng police station, at most 90 ‘yun lang ang nag-detail, the rest naiwan sa police station to continue the regular police functions of the police station 3,” ayon pa kay Yarra.

Siniguro rin naman ni Yarra na patuloy ang ginagawa nilang contract tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong mga pulis upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kaugnay nito, pinayuhan din ni Yarra ang publiko na iwasan muna ang pagtungo sa tanggapan ng PS-3 upang makaiwas sa nakahahawang sakit. — Angie dela Cruz

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with