_ngayon
^

Metro

Maynila naghahanda na sa posibleng lockdown

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Maynila naghahanda na sa posibleng lockdown
Police and barangay officers man the entry and exit points of Barangay 297 in Manila at Monday midnight, March 22, 2021 after it was placed under a four-day lockdown along with 12 other barangays.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Naghahanda na ngayon ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa posibleng pagpapatupad ng panibagong lockdown upang maampat ang kumakalat na mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ito ay makaraan ang ipinatawag na pulong ni Manila City Mayor Isko Moreno kasama sina Vice-Mayor Honey Lacuna at ibang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan kahapon kung saan pinag-usapan ang mga aksyon laban sa Delta variant.

Binilinan ni Moreno ang kanilang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Manila Barangay Bureau, at ang Manila Police Department na alertuhin ang kanilang mga tauhan sa oras na mangailangan na magpatupad ng agarang ‘granular lockdown’.

Kabilang din sa inalerto ang mga direktor ng anim na district hospitals, Manila COVID-19 Field Hospital, at ang Manila Health Department sa oras na muling magkaroon ng panibagong ‘surge’ sa COVID-19 cases.

“The City of Manila has actually been preparing for the worst case scenario over the past few months. Kahit nung hindi pa nagka-surge, we have kept on ad­ding to our quarantine facilities and other resources in response to the pandemic. Hindi talaga dapat maging kampante,” paliwanag pa niya.

Nabatid na 25 sa 72 kaso ng Delta va­riant ang natukoy sa Metro Manila.  Sa 25 ito, 10 ang natukoy sa lungsod ng Maynila.  

Nitong Miyerkules, may 642 aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.  Ang anim na district hospitals sa siyudad ay may 32% bed occupancy rate; 65% occupancy rate sa Manila COVID-19 Field Hospital; at 9% occupancy rate sa mga COVID-19 quarantine facility.

 

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with