^

Metro

21 local Delta cases dinala sa PGH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
21 local Delta cases dinala sa PGH
Mayroon ding ginagamot na 170 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang PGH. Dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso, sinabi ni Del Rosario na tinatrato nila lahat ng COVID-19 cases ngayon na mga Delta variants para maging lubos ang pag-iingat.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawanpu’t-isa sa  kabuuang bilang na 72 na lokal na kaso ng mapanganib na Delta variant  ng COVID-19 ang na-test o na-admit sa kanila.

Ngunit iginiit ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na wala pa namang nahahawa sa mga staff at medical workers ng PGH sa kabila ng pagiging lantad sa mga pasyente na may taglay nito.

Sinabi ni Del Rosario na anim ang na-admit sa PGH habang 15 ang isinailalim sa COVID-19 test sa kanilang laboratoryo.

Sa anim na na-admit, dalawa ang nasawi habang ang apat ay ganap nang nakarekober sa sakit.  Ang dalawang nasawi ay hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 habang isa lamang sa mga nakarekober ang nakatanggap na ng bakuna at nakaranas lamang ng ‘mild’ na sintomas.

“Over the last several days, we’ve been informed by the DOH (Department of Health) of the patients who ended up having confirmed Delta variants,” ayon naman kay PGH infection control chief Dr. Regina Berba.

Aabot sa 300 contacts ng mga Delta variant patients ang isinailalim sa ebalwasyon at testing at pawang nagnegatibo.  Itinaas na rin ang heightened alert sa pagamutan mula nitong Hulyo 26 hanggang Agosto 31.

Mayroon ding ginagamot na 170 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang PGH. Dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso, sinabi ni Del Rosario na tinatrato nila lahat ng COVID-19 cases ngayon na mga Delta variants para maging lubos ang pag-iingat.

vuukle comment

DELTA VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with