^

Metro

Sistema sa pila sa vaccination site, inireklamo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sistema sa pila sa vaccination site, inireklamo
Ang mga Seafarers na masuwerteng nakapasok sa San Andres sports complex sa San Andres Malate Manila para sa 1st dose ng kanilang bakuna, habang marami pa ang siksikan sa labas sa kabila na pagbuhos na malakas ng ulan kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila na paigtingin ang pagbabantay at mas ayusin ang sistema sa pila sa ‘vaccination site’ sa San Andres Sports Complex sa Maynila makaraang ilang mga ‘Overseas Filipino Workers (OFW)’ ang nagreklamo sa kaguluhan sa pagpapabakuna.

Unang inihayag ng lokal na pamahalaan ang 1st dose vaccination schedule para sa mga OFWs nitong Hulyo 28 sa San Andres Sports Complex at naglaan ng 1,300 slots.

Ngunit nakalagay rin na dapat naka-pre-registered lahat ng pupunta at hindi tatanggap ng ‘walk-in client’.  Pero meron pa rin ang nagbaka-sakaling mabakunahan kahit hindi sila nakalista sa araw na ito at pumunta pa rin sa vaccination site.

Reklamo ng marami, alas-7 pa lang ng gabi ay nakapila na sila pero napunta pa sila sa dulo ng pila.  Ayon naman sa mga namamahala ng pila, may ilan na naglabas ng upuan at gumawa ng sariling pila na pinagmulan ng kaguluhan.

Ilang OFW ang nagsabi na malapit na ang kanilang flight sa ibang bansa at hindi ito matutuloy kung wala silang COVID-19 vaccine. “Again, no walk-in. Kung pipila pero walk-in pala, then hindi maaaccommodate dahil hindi pwede walk-in,” ayon kay Manila Public Information head Julius Leonen.

 

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with