^

Metro

Walang COVID-19 surge sa Metro Manila - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 25 sa 72 lokal na kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy na mula sa National Capital Region (NCR) ngunit hindi pa masasabi na mayroon nang ‘surge’ na nagaganap sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa ulat ni DOH-National Capital Region (NCR) Epidemiology and Surveillance Unit head Dr. Manuel Mapue II, 10 kaso ang natukoy sa Maynila, pito sa Pasig City, dalawa sa San Juan City at tig-iisa sa Las Piñas, Makati, Malabon, Quezon City, Taguig at Parañaque City.

Sa 24, walo na ang guma­ling, isa ang namatay at 16 ang aktibo pa.

Sa kabuuan, nasa 119 na ang Delta cases sa bansa kabilang ang 72 na itinuturing na lokal na mga kaso habang 47 ay mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’.

“Batay doon sa aming tala hanggang kahapon, hindi natin na matatawag pa na surge sa ngayon. Wala tayong ebidensya pa na tawagin ito na surge, although nakikita natin na nag-uumpisa nang tumaas ang mga kaso,” paliwanag ni Mapue.

Tinukoy niya ang mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Pasay at San Juan na may pagtaas sa arawang kaso ng CO­VID-19. Ngunit para matawag na ‘surge’, iginiit niya na kailangan na tuluy-tuloy ang pagtaas at hindi pabago-bago ang mga numero. 

  

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with