_ngayon
^

Metro

Granular lockdown ipinatupad sa barangay sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

6 na magkakaanak nagkahawaan sa COVID-19

MANILA, Philippines — Magpapatupad  ng granular lockdown sa isang barangay sa  San Dionisio, Parañaque City matapos magkaroon umano ng hawaan ang anim na miyembro ng isang pamilya sa hinihinalang Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni Kagawad Majel Co, chairman ng Health Committee  ng Brgy. San Dionisio, isasailalim sa limang araw na granular lockdown ang Tramo St., sa San Dioniso.

Sinabi ni Co na matapos magpositibo ang resulta ng swab test ang anim na miyembro ng isang pamilya sa lugar ay minarapat nilang  gawin ang nasabing hakbang simula alas- 5:00 ng umaga ngayong araw (Huwebes).

Isasagawa rin ang disinfection sa mga bahay ng pamilyang tinamaan ng virus maging ang mga kalsada.

Isusunod na rin ang pagsasailalim sa swab testing sa mahigit 300 residente  na dumaraan sa Tramo St. Nabatid na dalawa sa anim na miyembro ng pamilya ang dinala na sa Ospital ng Parañaque na nagpakita ng mga sintomas habang ang apat naman ay sa quarantine facility ng lungsod.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with