_ngayon
^

Metro

11 HOPE quarantine facility ng Quezon City, naka-alerto na sa Delta variant

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang 11 HOPE quarantine facility ng ­Quezon City para sa malaking banta nang paglobo ng kaso ng  Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa abisong inilabas ng QC Epidemiology and Disease  Surveillance Unit (CESU) , naka-alerto ang mga medical staff at frontliners ng bawat Hope facility.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, head ng CESU , kumpleto sa pasilidad ang bawat isolation facility na may sariling klinika, botika at supply room.

Anya bukod sa ekskusibong mga kuwarto  para sa mga magpa-pamilyang magpo-positibo sa virus kasado na rin ang paglalagay ng kwarto na laan para sa miyembro ng LGBTQIA  community.

 Nitong  nakalipas na araw ,  kinumpirma ng  QC LGU ang  isang returning OFW na nagpositibo sa Delta variant habang isang factory shop na naka-base sa lungsod ang sinusuri ngayon ang lahat ng mga manggagawa na na-exposed sa pasyenteng nagpositibo sa delta variant sa ibang lungsod.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with