_ngayon
^

Metro

‘Circuit-breaker’ lockdown, inirekomenda ng OCTA COVID-19 surge sa NCR, kinumpirma

Angie dela Cruz, Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
âCircuit-breakerâ lockdown, inirekomenda ng OCTA COVID-19 surge sa NCR, kinumpirma
Dahil dito, inirekomenda na ng nasabing grupo ang pagpapatupad ng ‘circuit-breaker’ lockdown sa rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Opisyal nang may CO­VID-19 surge ngayon sa National Capital Region (NCR),  batay ito sa ulat ng OCTA Research makaraang magtala ng halos isang libong kaso ng virus kada araw.

Dahil dito, inirekomenda na ng nasabing grupo ang pagpapatupad ng ‘circuit-breaker’ lockdown sa rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Prof. Ranjit Rye, hindi dapat  balewalain ang bagay na ito dahil patuloy ang pagtaas ng kaso.

“Hindi pwedeng balewalain ito. Hindi pwedeng hindi pansinin itong pagtaas. Kapag humampas tayo sa 2,000, mararamdaman na talaga  ito ng ating mga ospital.” pahayag ni Professor Rye.

Ayon naman kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang reproduction number sa NCR ay umakyat na rin sa 1.33, na indikasyon na nagkakaroon ng patuloy na transmission ng virus.

Sinasabing kapag ang reproduction number na 1 at mas mataas pa rito ay nagpapakita lamang na mabilis ang pagkalat ng virus.

Malaki ang paniwala ng grupo na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa  Delta variant.

Noong nagdaang buwan ang reproduction number ng COVID ay nasa 0.6 sa NCR  at nang pumasok ang Delta variant ay umabot na ito ngayon sa 1.33.

Nanawagan sa publiko  ang naturang grupo na mag ingat  at huwag magpabaya dahil ang Delta variant ay mabilis na kumalat.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with