_ngayon
^

Metro

Klinika na nameke ng COVID-19 tests, tinanggalan ng lisensya ng DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Klinika na nameke ng COVID-19 tests, tinanggalan ng lisensya ng DOH
Sa desisyon ng DOH-National Capital Region Office (DOH-NCRO), nakita nito na may sapat na basehan ang complaint ni Dr. Alma Radovan-Onia, medical director ng Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI), laban sa Best Care Medical Clinic & Diagnostic Center Inc. at chief executive officer nito na si Dr. Jovith Royales dahil sa umano’y pamemeke ng records at pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa COVID-19.’
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Tuluyan nang hindi nakapagbukas muli ang isang medical clinic & diagnostic center sa Valenzuela City makaraang bawiin ng Department of Health (DOH) ang license to operate nito matapos itong masangkot sa pamemeke ng COVID-19 results.

Sa desisyon ng DOH-National Capital Region Office (DOH-NCRO), nakita nito na may sapat na basehan ang complaint ni Dr. Alma Radovan-Onia, medical director ng Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI), laban sa Best Care Medical Clinic & Diagnostic Center Inc. at chief executive officer nito na si  Dr. Jovith Royales dahil sa umano’y pamemeke  ng records at pagbibigay ng  maling impormasyon tungkol sa COVID-19.’

Sa kanyang reklamo, inakusahan ni Radovan-Onia si Royales at ang kanyang mga tauhan na nagpapalabas ng resulta ng COVID-19 na binabayaran ng kanyang mga kliyente habang pinalalabas na ang tests ay isinasagawa sa MMDCI.

Sa ginawang imbestigas­yon ng DOH-Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB ), napatunayang hindi accredited COVID-19 testing laboratory ang Best Care dahil tanging ang isang lisensyadong laboratory lamang ang puwedeng mag-report ng resulta sa COVID-19 Document Respiratory System (CDRS).

Ang RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) results na pinalabas ng Best Care kahit wala itong lisensya bilang isang COVID-19 laboratory ay malinaw na paglabag sa RA 11332 lalo sa pa­memeke ng records tungkol sa Covid-19.

Nauna nang binigyan ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ng indefinite suspension ang business permit ng Best Care makaraang makarating sa kanyang kaalaman ang umano’y pamemeke nito ng COVID-19 results gamit ang klinika nito kahit wala itong karapatan bilang isang COVID-19 tes­ting facility.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with