_ngayon
^

Metro

‘Home transmission’ sanhi ng pagtaas ng COVID-19 cases

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —

Ito ang sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epide­miology and Surveillance Unit (CESU)  batay na rin sa kanilang record.

Anya, mula sa daily ave­rage na 150 cases sa isang araw noong nagdaang linggo ay pumapalo na ito ngayon sa average na 180 cases sa isang araw.

“Ano po, home transmission, talagang magkakamag-anak, magkakapamilya po ang tinatamaan ngayon. Ngayon puro ano, sa isang compound, magkakamag-anak, isang pamilya. So pag nagkaroon ng isang positive, halos lahat sila nagpo-positive na rin po.” paliwanag ni Dr. Cruz.

Dati ang ulat ng mabilis na hawahan ay nagaganap sa loob ng workplace.

Noong lunes, nakapagtala ang QC government ng unang kaso ng Covid-19 Delta variant kaya’t pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan na ipagbawal ang home quarantine para sa mga symptomatic patients.

“Ang papayagan na lang po ay asymptomatic close contacts, pero lahat po ng may sintomas, suspect ca­ses, probable at confirmed, ipu-pull out at dadalhin sa quarantine facility,” sabi pa ni Cruz.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with