_ngayon
^

Metro

2 kaso ng Delta variant, naitala sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nakapagtala na rin sila sa lungsod ng dalawang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Zamora, naipagbigay-alam lamang sa kanila ang pagpopositibo sa Delta variant ng dalawa nilang residente kamakalawa o mahigit isang linggo na makakumpleto ng kanilang quarantine ang mga pasyente.

Sinabi ni Zamora na kabilang sa mga naturang pas­yente ay isang 9-taong gulang na batang lalaki at isang 25-anyos na babae.

Anang alkalde, ang baba­eng pasyente ay nagtatrabaho bilang call center agent sa isa pang lungsod sa Metro Manila.  Sinuri ito sa isang pribadong ospital noong Hunyo 28 at naibigay lamang ang resulta ng pagsusuri sa City Health Office noong Hulyo 1. Asymptomatic naman umano ang pasyente at nakatapos na ng quarantine noong Hulyo 13.

Samantala, ang batang pasyente naman ay nagkaroon ng lagnat.  Maging ang kanyang mga magulang ay naging CO­VID-19 positive rin at malaunan ay natuklasan na ang ama ng bata ay officemate at naging close contact ng 25-anyos na pasyente.  Symptomatic din naman umano ang ama ng bata at nagkaroon ng ubo at sipon habang asymptomatic naman o walang anumang naramdamang sintomas ng sakit ang kanyang misis. Ang pamilya ay sumailalim sa quarantine sa Kalinga Center simula Hulyo 1 at pawang nakalabas na noon pang Hulyo 15.

Sinabi ni Zamora na target nilang sa katapusan ng Agosto ay ma-fully vaccinate na ang 100% ng kanilang target population na katumbas ng 70% ng kabuuang populasyon ng San Juan. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with