_ngayon
^

Metro

2 truck ng basura nahakot sa Manila Bay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 truck ng basura nahakot sa Manila Bay
Personal na sinamahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang nasa 70 tauhan ng MMDA Metro Parkways Clearing Group kahapon ng umaga sa clean-up operations na umabot sa 40 cubic meters ang dami ng basurang napadpad sa Manila Bay.
Edd Gumban/File

Dahil sa pag-ulan dala ng habagat

MANILA, Philippines — Dalawang truck ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Manila Bay na dala ng matinding pag-ulan  dulot ng southwest monsoon sa mga nakalipas na araw .

Personal na  sinamahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos  ang nasa 70 tauhan ng MMDA Metro Parkways Clearing Group kahapon ng umaga sa clean-up operations na umabot sa 40 cubic meters ang dami ng basurang napadpad sa Manila Bay.

Kapuna-puna ang dami ng plastic bottles, mga piraso ng styrofoam at iba pang debris, ani Abalos.

Muling umapela si Abalos sa publiko na iwasang magtapon ng basura sa kung saan-saan na maaring mapadpad sa Manila Bay.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang pinuno ng MMDA sa mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources at City Government ng Manila para sa kanilang mga pagkukusa sa paglilinis sa Manila Bay.

Samantala, sinabi ni Abalos na humingi na sila ang assistance sa Department of Interior and Local Government (DILG), para tumulong sa mga pulis na arestuhin ang mga indibiduwal na mahuhuli ang mga walang patumanggang pagtatapon ng basura sa Manila Bay.

“I’ve already talked to DILG Secretary Eduardo Año on this matter. Those apprehended would be obliged to clean Manila Bay,” ani Abalos.

MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with