_ngayon
^

Metro

‘Maximum tolerance’ sa curfew violators, iniutos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
âMaximum toleranceâ sa curfew violators, iniutos
Nagsimulang ipatupad noong linggo ang unified curfew hours na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw unified curfew sa MM sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant .
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ngayong naglabas ng unified curfew hours, masusubok na naman ang pagtitiyaga at pagtitimpi ng mga pulis sa mga curfew violators sa Kalakhang Maynila.

Kahapon ay nagbilin si PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa mga pulis na gawing maayos ang pakikitungo at ipatupad ang maximum tolerance  sa mga mahuhuling  lumalabag sa pinalawig na curfew sa Metro Manila.

Nagsimulang ipatupad noong linggo ang unified curfew hours na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw unified curfew sa MM sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant .

Ayon sa PNP Chief, hindi na bago sa mga taga-Metro Manila ang mahabang mga curfew hours kaya inaasahan niyang susundin Ito ng karamihan. Aniya, paulit  ulit ang  pagsita sa mga pasaway subalit kailangan ang  pasensiya  at responsibilidad.

Umaasa naman si ­Eleazar na hindi na mauuwi sa arestuhan at komprontasyon sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga lumalabag.

Paalala ni Eleazar sa mga mamamayan, ang mas mahabang curfew ay para din sa kaligtasan nila at ng kanilang mga pamilya.

 

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with