_ngayon
^

Metro

Manila LGU nakabakuna ng 221K indibiduwal sa kabila ng malakas na pag-ulan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging  makabuluhan ang tuluy-tuloy na pagbabakuna sa Maynila kahit nakaranas ng malalakas na pag-ulan at baha dala ng southwest monsoon dahil umabot sa mahigit 221,000 indibiduwal ang naturukan na sa nakalipas na isang linggo laban sa COVID-19.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, iniulat sa kaniya ni Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department (MHD) chief Dr. Poks Pangan na ang 221,865  residente ang nabakunahan simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 25.

Sinabi pa ni Moreno na dapat ding purihin ang mga tauhan ng MHD dahil sumuong din sila sa ulan at baha upang makapagserbisyo sa mga mamamayan.

“Our fellow workers from the MHD also deserve to be commended. Sumuong sila sa baha. ‘Di sila natinag at ‘di nila inalintana ang malakas na ulan at baha, gayundin ang mga Batang Maynila na nakikinig sa ating panawagan na magpabakuna,” anang alkalde.

Nitong Linggo naman, ang Maynila ang  isa sa tatlong lungsod na itinuloy ang vaccination program sa kabila na ito ay araw ng pahinga at malakas ang buhos ng ulan.

Nabatid na mula sa 268,263 vaccines na naideploy mula Hulyo 23 hanggang Hulyo 25 lamang sa buong National Capital Region (NCR), ay 84,985 o 30 porsyento ng kabuuan ay isinagawa sa Maynila.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with