_ngayon
^

Metro

10 miyembro ng Partidong Manggagawa, naharang, lumabag sa social distancing

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sampung miyembro ng  Partidong Manggagawa (PM) ang naharang  kahapon ng umaga  habang sakay ng isang  SUV dahil sa paglabag sa social distancing sa  Ca­marin Road, Caloocan City.

Batay sa report na tinanggap ni Caloocan City Police  chief, Col. Samuel Mina  alas-10:30 ng  umaga  nang magsagawa  ng chekcpoint ang SS8 at SS9  sa pangunguna ni  PLt. Ronald Batalla  sa Camarin Road, at maharang  ang  sasakyan ng  mga mi­yembro ng PM na sakay ng SUV dahil sa ‘out of route’.

Habang kinuwestiyon ang  driver ng sasakyan na si  Elberto Salvador, napansin ng mga pulis ang mga sakay ito na may dalang banners at streamer paraphernalias .

Dito na napansin ng mga pulis ang kawalan ng  physical distancing ng mga sakay sa loob ng SUV. Lumilitaw na patungo sa UP Diliman, sa Quezon City  ang 10 miyembro ng PM at nakatakdang makipagkita sa kanilang pangulo na si PM President Renato Magtubo para sa kanilang protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman agad din  pinaalis ang 10 miyembro matapos na maisyuhan ng  OVR kaugnay sa paglabag sa AITF Guidelines on Social Distancing.

Nakipag-ugnayan na rin ang  Caloocan City Police  sa LTO sa posibilidad na maimpound ang  sasakyan at pag-iisyu ng Traffic Violation Receipt kay Salvador.

PARTIDONG MANGGAGAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with