_ngayon
^

Metro

P136 milyong shabu nasabat, 2 bigtime ‘tulak’ timbog

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P136 milyong shabu nasabat, 2 bigtime âtulakâ timbog
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Michelle Castro, 39, may-asawa, ng Block 14 Lot 24 Phase 1, Avida Settings, Brgy. Molino, Bacoor City, Cavite at ang sinasabing pamangking binatilyo nito na kasama sa bahay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P136 mil­yong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa dalawang bigtime na “tulak” kabilang ang isang 16-anyos sa isinagawang buy-bust ­operation kahapon ng umaga sa lalawigan ng Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Michelle Castro, 39, may-asawa, ng Block 14 Lot 24 Phase 1, Avida Settings, Brgy. Molino, Bacoor City, Cavite at ang sinasabing pamangking binatilyo nito na kasama sa bahay.

Batay sa ulat, alas-10:25 ng umaga nang isagawa ang drug operation mismo sa bahay ng mga suspek. Isang PDEA agent ang nagpanggap na buyer at bumili ng shabu sa mga suspek.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, agad na dinakma ng mga awtoridad ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang 20 kilo ng shabu na may halagang P136,000,000, dalawang unit ng Samsung Basic Phone na gamit sa pakikipagtransaksyon sa mga parokyano ng mga suspek at buy-bust money.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with