_ngayon
^

Metro

Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City
Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga residenteng nabakunahan ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Ito ay 45.68% ng 1.7 milyong populasyon na target mabakunahan ng lungsod upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Malaking bagay anila ito lalo na ngayong may Delta variant na sa bansa, partikular na sa Metro Manila.
AFP/Pascal Guyot

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.

Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga residenteng nabakunahan ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Ito ay 45.68% ng 1.7 milyong populasyon na target mabakunahan ng lungsod upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Malaking bagay anila ito lalo na ngayong may Delta variant na sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

Samantala, nasa 481,089 residente na o 28.30% ng target population ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Ang mga nabibigyan anila ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

Maaari anila nilang bisitahin ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa kanilang official Facebook page o kaya bisitahin ang  https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with