_ngayon
^

Metro

Pari na ‘fully vaccinated’ nasawi sa COVID-19 sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang naka-lockdown ang San Roque Cathedral sa Caloocan City matapos  na mamatay ang  isang  58-anyos na guest  priest na nabakunahan na laban sa COVID-19 matapos tamaan ng virus kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president-elect at Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, nagpositibo sa isinagawang  post-mortem swab testing si Fr. Manuel Jadraque Jr. (“Fr. Mawe”), Mission Society of the Philippines.

“We regret to inform you that the Caloocan City Government’s Covid Command Center has ordered the temporary lockdown of the San Roque Cathedral starting tomorrow, Sunday, July 25, which is supposed to be our celebration of the World Day for Grandparents and the Elderly People,” ani David.

Sinabi ni  David na galing sa Monumento  si  Fr. Mawe  at sumakay ng  tricycle patungong cathedral noong Sabado ng umaga.

Kapansin-pansin  na matamlay at hindi masyadong makapagsalita ang nasabing pari kaya agad nilang dinala sa ospital subalit idineklarang  dead-on-arrival.

Hiniling ng CBCP na isailalim si Fr. Mawe sa genome testing upang malaman kung anong coronavirus variant ang naka-infect sa kanya.— Ludy Bermudo

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with