_ngayon
^

Metro

4 nalambat sa Malabon drug bust

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng hagupit ng bagyong Fabian, tuluy-tuloy ang  drug operation ng  Malabon City Police  kung saan apat katao na sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang magkapatid ang nalambat kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Hermie, Fabillane, 34; kapatid na si Marvin, 36; Jhon Rick Berania, 19 at Reggie Tumanday, 24.

Ayon kay P/Staff Sgt. Jerry Basungit, dakong alas-8:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Dela Pena St. corner M H Del Pilar, Brgy. Maysilo.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang magkapatid na Fabilane matapos nilang bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer habang inaresto rin si Berania at Tumanday nang makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang sa 9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P61,800 at buy-bust money.

FABIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with