_ngayon
^

Metro

Metro Manila balik sa mas mahabang curfew

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila balik sa mas mahabang curfew
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Benhur­ Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) na may 9 na mula sa dating tatlo lamang ng local case ng Delta variant sa Metro Manila ang naitala ng Department of Health (DOH).
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity  (MMDA) chairman Benhur­  Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong  ng Metro Manila Council (MMC)  na may 9 na mula sa dating tatlo lamang ng local case ng Delta variant sa Metro Manila ang naitala ng Department of Health (DOH).

Sa pahayag ni Abalos , ang bagong ipatutupad na curfew hours para sa National Capital Region ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Una nang iniksian ang ipinatutupad na curfew  mula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw.

Ngunit dahil nga sa banta ng mga COVID variant partikular ang Delta variant at pagbabalik sa mas mahigpit na GCQ kaya napagpasyahan ng mga alkalde na muling pahabain ang curfew.

Aniya, dapat na mas maagap ngayong may local transmission na tumaas pa sa siyam ang Metro Manila dahil sa posibleng bilis na hawaan sa Delta variant.

Related video:

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with