_ngayon
^

Metro

Yorme nagbigay ng ultimatum sa mga ‘di sumipot sa 2nd dose ng bakuna

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Yorme nagbigay ng ultimatum sa mga âdi sumipot sa 2nd dose ng bakuna
Ayon kay Manila mayor Isko Moreno, naitakda ang second dose para sa nabakunahan ng Pfizer mula Mayo 13 hanggang Hulyo 19, 2021, na nabigay pa ng ‘last call’ sa buong araw ng Sabado (Hulyo 24) at ang matitira ay ibibigay na sa iba pang interesado sa Pfizer na mabigyan ng first dose.
The STAR/Michael Varcas, file

Ibibigay na sa iba

MANILA, Philippines — Inihayag  kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na ibibigay na lamang sa ibang interesadong masaksakan ng Pfizer vaccines ang  bakunang inilaan para sa second dose na hindi sumipot sa ibinigay na ultimatum hanggang kahapon (Sabado).

Ayon sa alkalde, naitakda ang second dose para sa nabakunahan ng Pfizer mula Mayo 13 hanggang Hulyo 19, 2021, na nabigay pa ng ‘last call’ sa buong araw ng Sabado (Hulyo 24) at ang matitira ay ibibigay na sa iba pang interesado sa Pfizer na mabigyan ng first dose.

“May 1,500 out of the 74,000 na nabakunahan ng Pfizer na ‘di pa bumabalik for some reason which I respect. But you have to get your se­cond dose.  Last call na ito,” ani  Moreno.

“Kung sinuman kayo, although ite-text pa rin kayo at ilang beses na kayo tinext. Since nabakunahan kayo nung first time, ibig sabihin tama number n’yo. Kaya last call kasi nanghihinayang kami sa bakunang nasa bodega,” dagdag pa ni Yorme.

Sa kabila ng malakas na pag-ulan  at pagbaha sa ilang lugar sa lungsod,  tinupad pa rin ni Moreno ang sinabi niya na umulan man o umaraw ay tuloy lang ang bakunahan, kahit pa weekends o holidays.

Bukas din ang pagbibigay ng first dose sa 18 vaccination sites na mga eskwelahan at apat na malls mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

PFIZER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with