_ngayon
^

Metro

P373K shabu nasamsam: 4 tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado  ang apat na indibiduwal sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police kung saan nasamsam ang nasa 55 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P373,000.00,  kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Colonel Harold Depositar kay Southern police District (SPD) chief, P/Brig. Generawl Jimili Macaraeg, ang mga suspek ay kinilalang sina Angelito Camanero, alyas Isko, 46, Erwin Rita, 41; Robin Corcuera, 30 ; at Ren Ren Lazaro, 41.

Dakong alas-11:45 ng gabi ng Hulyo 23 nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pag-aresto ng Station Drug Enforcement Unit at Station Intelligence Section  sa apat matapos makabili ng shabu ang poseur-buyer sa D. Gomez Street, Barangay Tejeros, Makati City.

Isinailalim na sa inquest proceeding sa  Makati  Prosecutor’s Office sa reklamong  paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with