_ngayon
^

Metro

Paglabas ng mga bata, bawal uli - IATF

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paglabas ng mga bata, bawal uli - IATF
Muling naputol ang kaligayahan ng mga paslit na makalabas ng kanilang bahay makaraang bawiin ito ng IATF dahil sa banta ng Delta variant kasabay sa paglalagay uli sa NCR sa GCQ with heightened restrictions kasama ang apat pang lalawigan.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tuluyang binawi ng Inter-Agency Task Force for the Manage­ment of Emerging Infectious Disease (IATF) ang kanilang resolusyon na nagpapahintulot lumabas ang mga bata na may edad-5 pataas dahil sa banta ng mas mapanganib na Delta va-riant ng COVID-19 sa bansa.

Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nagkumpirma ng desisyon ng IATF upang mailayo ang mga bata sa impeksyon lalo na at hindi pa sila nababakunahan.

“Ang latest natin diyan ay hindi muna natin papayagan sa ngayon para lang makasiguro tayo,” ayon kay Duque. “Dahil nagkaroon na tayo ng Delta variant, nagkaisa ang IATF na iatras muna itong resolution na ito,” dagdag niya.

Matatandaan na inilabas nitong Hulyo 9 ng IATF ang Resoltion No. 125 na pumapayag na makalabas ng bahay ang mga batang may edad limang taon pataas at makapunta sa mga outdoor areas sa mga lugar na nasa ila­lim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ).

Ngunit dahil sa Delta variant, binabawi na ito.  Kasalukuyang may 47 Delta variant cases na sa bansa kabilang ang tatlo nang nasawi at walong active cases.

COVID-19 VARIANT IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with