_ngayon
^

Metro

5 timbog sa investment scam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 timbog sa investment scam
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Bernie Limpiada, alyas Brix; Marvin Ojeda, alyas Marvin Juarez Ojeda; Glory Ann Pillo­ra; Rogelio Laverinto Fambue- na Jr.; at Sino Inocencio.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang limang suspek na sangkot sa investment scam sa ‘aqua farm’ ng alimango at hipon sa ikinasang entrapment operation sa kanilang tanggapan sa Quezon City nitong nakaraang Miyerkules.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Bernie Limpiada, alyas Brix; Marvin Ojeda, alyas Marvin Juarez Ojeda; Glory Ann Pillo­ra; Rogelio Laverinto Fambue- na Jr.; at Sino Inocencio.

Sa ulat, isang impor­mante kasama ang mga tauhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)ang dumulog sa kanila at ini­ulat ang iligal na ope­rasyon ng Agri-Wealth Farm Ventures, Inc. na pagmamay-ari nina Limpiada at Ojeda.

Ayon sa impormante, nag-aalok ang Agri-Wealth ng investment sa publiko sa pangakong kikita ng hanggang 160% na balik sa kanilang puhunan sa loob ng 100 araw.  Tutubo ang ilalagak na puhunan ng mula 1.6% hanggang 2.5% kada araw.

Isang uri rin ito ng networking dahil sa kada may mare-recruit na bagong miyembro ay makaka- kuha pa ng dagdag na 5% na tubo sa investment at 2% sa ikalawang recruit hanggang sa susunod pa.

Pinapaniwala nila ang mga investor na lehitimo silang kompan­ya sa pagpapakita ng 20 ektaryang farm ng alimango at tiger prawns sa Hagonoy, Bulacan.

Nadiskubre naman ng NBI na hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang kompanya at wala ring nakasumiteng aplikasyon. Dito nagkasa ang NBI-Anti Fraud Division ng entrapment operation kung saan nalambat ang mga suspek nitong Hulyo 21 sa isang mall sa Quezon City at  sa kanilang tanggapan sa New Manila, Quezon City nang tumanggap ng pera sa impormante.

Nahaharap ngayon ang mga nadakip na suspek sa kasong paglabag sa Section 8, at 26 ng RA 8799 o “The Securities Regulation Code” sa Quezon City Prosecutor’s Office.

SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with