_ngayon
^

Metro

Rali sa SONA, bawal muna

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rali sa SONA, bawal muna
The anti-Duterte rally on July 23, 2018 drew in 23,000 protesters.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Quezon City Police District (QCPD) ang kahilingan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na makapagsagawa ng kilos protesta sa Commonwealth sa isasagawang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 26.

Ito’y ayon sa pamu-nuan ng QCPD ay dahil na rin sa banta ng Delta Variant na posibleng kumalat sa mga raliyista.

Sinabi ni Ret. Ge-neral Elmo San Diego, hepe ng Department of Public Order and Safety (DPOS), nagdesisyon ang QCPD na huwag payagan ang anumang rally dahil maaari umano itong maging super spreader event o hawaan  ng virus.

Base sa Advisory ng Department of Interior and Local Government (DILG), hindi papayagan ang anumang mga kilos protesta sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte dahil sa banta ng hawaan ng COVID-19.

Gayunman, papa-yagan naman umano ng QCPD ang mga ra­liyista na magtipon sa Freedom Park, harap ng tang­gapan ng Commission on Human Rights (CHR) para sa maigsing programa lamang.

Matamang babantayang mabuti ng QC Police operatives ang lugar para matiyak na masusunod ng mga raliyista ang mga alintuntunin ng minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Una nang sinabi ng OCTA Research Group, bumibilis ngayon ang Reproduction Rate ng COVID-19 sa NCR at ang ulat na ito ang ginamit na batayan ng QCPD para ibasura ang kahilingan ng Bayan Muna na magsagawa ng kilos protesta sa SONA ng Pangulong Duterte sa Lunes.

Noong nakaraang taon, ang mga raliyista ay nagsagawa ng programa kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte sa UP Diliman campus sa QC.

RALLY SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with