_ngayon
^

Metro

NCR high risk uli sa COVID-19

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCR high risk uli sa COVID-19
Ito ang pahayag ng OCTA Research Group nang tumaas pa sa 1.15 ang CO­VID-19 reproduction number sa NCR nang makapasok sa ating bansa ang Delta variant.
The STAR/Michael Varcas, file

Hawaan mabilis ang pagtaas

MANILA, Philippines — Lalo pang bumibilis ang hawaan ng COVID-19  sa  National Capital Region (NCR) at ngayon ay muling kinokonsiderang nasa high risk sa virus.

Ito ang pahayag ng OCTA Research Group nang tumaas pa sa 1.15 ang  CO­VID-19 reproduction number sa NCR nang makapasok sa ating bansa ang Delta variant.

Ayon kay Professor David Guido ng OCTA Group  na masasabing mabilis ang hawaan ng COVID-19 kapag mas mataas  sa isa ang reproduction number.

Anya, kung magpapatuloy ang ganitong pagtaas ng kaso ng virus, maaa­ring sumipa sa 10,000 ang arawang kaso ng COVID sa ating bansa sa darating na mga linggo dahil sa Delta variant.

“Yesterday’s number na 6,000 mataas iyan, we are expecting na more than 8,000. It means na tumataas na ang cases, we might see 10,000 by next week or next, next week,” paliwanag ni David.

Noong Martes ay umaabot sa 1.06 ang reproduction number ng virus, kamakalawa  ay 1.08  at kahapon ay umabot na sa 1.15 .

Ani David, ang reproduction number sa pagitan ng  0.9  hanggang 1.1 ay kinokonsiderang moderate risk at kapag mataas sa 1.1 ay kinokonsidera itong  high risk.

“Ibig sabihin nasa high risk na ang NCR sa reproduction number,” sabi pa ni  David.

Ang mabilis na pagtaas ng reproduction rate sa ating bansa ay naitala nang makapasok ang Delta variant  dito.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with