^

Metro

‘Bikoy’ muling ipinaaaresto ng Manila court

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Bikoy� muling ipinaaaresto ng Manila court
Binawi rin ni MeTC Branch 17 Judge Karla Funtillan-Abugan ang inilagak na piyansa ni Advincula. Naglabas muli ng warrant of arrest laban sa kaniya at dinoble pa ang piyansang P18,000 para muli siyang makakuha ng pansamantalang kalayaan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling  ipinaaaresto ng Manila Metropolitan Trial Court ang kontrobersyal na si Peter Joemel Advincula,  alyas Bikoy  dahil sa pagkabigo niya na makadalo sa pagbasa ng sakdal sa kinakaharap niyang kasong Perjury.

Binawi rin ni MeTC Branch 17 Judge Karla Funtillan-Abugan ang inilagak na piyansa ni Advincula. Naglabas muli ng warrant of arrest laban sa kaniya at dinoble pa ang piyansang P18,000 para muli siyang makakuha ng pansamantalang kalayaan.

“In view of the failure of the accused to appear in today’s hearing despite notice and upon motions of both the private prosecutor and public prosecutor, let the cash bail posted by accused Peter Joemel Advincula be forfeited and confiscated in favor of the government,” nakasaad sa isang pahinang kautusan ni Abugan.

Kinatawan si Advincula sa pagdinig ng kaniyang abogadong si Atty. Domingo Miguel Carillo.

Dumalo naman sa arraignment ang mga abogadong sina Attys. Chel Diokno, Ted Te at Erin Tanada na pawang mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG) na siyang naghain ng kaso laban kay Bikoy.

Matatandaang ang mga naturang abo­gado ay nagsampa ng kasong perjury laban kay Advincula nang under oath ay akusahan sila nito na umano’y sangkot sa “Project Sodoma” o ouster plot kay Pangulong ­Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online videos na “Ang Totoong Narcolist.”

Muli na lamang itinakda ng korte sa Agosto 26, 2021, ganap na alas-8:30 ng umaga ang pagbasa ng sakdal at ang preliminary confe­rence sa kaso.

vuukle comment

COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with