_ngayon
^

Metro

DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR
Tugon ng DTI, payag sila ngunit hanggang 10 porsyento lamang ang idaragdag na kapasidad dahil nga sa banta ng Delta variant.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “qua­rantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya.

Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez,  sapat na muna ang umiiral na general community quarantine (GCQ)  sa Metro Manila at hindi pa kailangang ibaba ito sa modified general community quarantine (MGCQ) dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

“I’m happy with the GCQ now na bukas ang mga economic activities. Ito ‘yung basta healthy balance na nakikita natin. We allow all essential, and even the non-essential na low-risk economic activities, so diyan babalik ang trabaho,” paliwanag ni Lopez.

Samantala, mu­ling nanawagan sa DTI  ang grupong Resto.PH na dagdagan pa ng 20 porsyento ang kapasidad ng mga establisim­yento kung bakunado na lahat ang staff at kung “fully-vaccinated” na rin ang mga papasok na kustomer.

“Up to 80 percent is good or halimbawa for a table of 6, sana payagan na 6 ang laman basta lahat sila fully-vaccina­ted,” ayon kay Resto.PH President Eric Teng.

Tugon ng DTI, payag sila ngunit hanggang 10 porsyento lamang ang idaragdag na kapasidad dahil nga sa banta ng Delta variant.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with