^

Metro

Metro Manila mayors nagkasundo, magpapasa ng ordinansa sa pagpapalabas sa mga bata

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila mayors nagkasundo, magpapasa ng ordinansa sa pagpapalabas sa mga bata
Sa inilabas na Resolution No. 21-11 Series of 2021, hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila na maglabas ng ­‘executive order’ o ordinansa para maglabas ng listahan ng mga outdoor areas o parke na maaaring puntahan ng mga bata.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nagkasundo  na ang mga alkalde na mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) na magpasa ng ordinansa sa kani-kanilang siyudad para isulong ang bagong labas na polisiya ng pamahalaan sa pagpapalabas na sa mga bata sa kanilang tahanan.

Sa inilabas na Resolution No. 21-11 Series of 2021, hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila na maglabas ng ­‘executive order’ o ordinansa para maglabas ng listahan ng mga outdoor areas o parke na maaaring puntahan ng mga bata.

Kasama rin dito ang pagli­linaw mabuti sa ibig sabihin ng ‘parks’ na maaaring maging mga open areas sa tabi ng mga establisimyento o malls; pagtatakda sa 50% kapasidad sa mga outdoor areas; pagtatalaga ng mga marshalls na maninita sa mga lumalabag; pagtatakda na palaging may kasamang adult ang isang bata; at iba pa.

“These are the conditions that Metro Manila mayors could adopt in issuing executive orders or crafting their respective ordinances in their localities,” paliwanag ni Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Nitong Hulyo 8, naglabas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF) ng Resolition No. 125 na pinapayagan ang mga bata na may edad 5 taon pataas na makalabas ng bahay at magtungo sa mga outdoor areas sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘modified general community quarantine at general community quarantine’.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with