_ngayon
^

Metro

Delivery riders na-scam; limang fake bookings ipinadala sa Manila Office of the Mayor

Philstar.com
Delivery riders na-scam; limang fake bookings ipinadala sa Manila Office of the Mayor
Isa sa mga delivery riders na nabiktima na magproseso ng pekeng food deliveries para sa Manila Office of the Mayor.
Photo Release

MANILA, Philippines — Limang riders ang na-scam matapos magproseso ng pekeng food deliveries na nakapangalan kay Mayor Francisco  "Isko Moreno" Domagoso ang inorder at ipinadala sa Office of the Mayor.

Nakaproseso ang limang pekeng order sa iba’t ibang mobile delivery app gamit ang iba’t ibang international mobile number.

Ayon sa mga text messages na natatanggap mula sa number, nag-order di umano ang isang "Isko Domagoso Moreno" ng iba't ibang pagkain mula sa magkakaibang restaurant.

"Pakidala po sa Mayor's Office. Thank you. Pa-assist na lang po kayo," bilin ng umorder sa mga delivery rider.

Nananawagan si Mayor Isko na huwag nang magbigay ng perwisyo sa mga rider, lalo na’t maraming nagpapakahirap sa hanapbuhay ngayong may COVID-19 pandemic.

“Alam naman po natin na marami ang gusto lang maghanapbuhay nang tapat at marangal. Huwag na natin sila i-prank, pagtripan o i-harass sa mga pekeng deliveries natin. This is not a laughing matter,” sinabi ni Domagoso.

“This goes to anyone who will attempt to harass our riders. Huwag po natin silang lokohin. May kanya-kanya silang pamilya na binubuhay. Wala silang masamang intensyon kundi kumita lang nang tapat,” aniya.

ISKO MORENO SCAMMERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with