_ngayon
^

Metro

NCR magiging matatag vs Delta variant

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCR magiging matatag vs Delta variant
Sinabi ni OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, isang molecular biologist, na nabakunahan na ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang 20 hanggang 70 porsyento ng kanilang populasyon.
The STAR/Miguel de Guzman

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga bakunado

MANILA, Philippines — Magiging ‘Delta resilient’ ang National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan base sa antas ng CO­VID-19 vaccination sa rehiyon, ayon sa pagtaya ng OCTA Research Group.

Sinabi ni OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, isang molecular biologist, na nabakunahan na ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang 20 hanggang 70 porsyento ng kanilang populasyon.

Dahil dito, inaasahan na magiging ‘fully vaccinated’ na ang populasyon ng Metro Manila sa susunod na isang buwan at kalahati mula ngayon.

Ito ay sa kabila ng suspensyon ngayon ng ilang mga lokal na pamahalaan sa kanilang ‘vaccination program’ dahil sa kawalan na ng suplay ng bakuna mula sa nasyunal na pamahalaan.

“In terms of the vaccines… I’ve been impressed that given the severe global shortage, the Philippine government is doing as best as it can given that limitation to roll out to protect the Filipino people,” ayon kay Austriaco.

Nitong Hulyo 5, nakapagtala na ng 19 na kaso ng Delta variant sa bansa.

Hinikayat naman ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez ang mga lokal na pamahalaan na ilaan ang na­lalabi nilang suplay ng bakuna lalo na ang mga Sinovac vaccines para sa mga tatanggap ng second dose dahil sa mas importante umano ito para ganap na malabanan ang virus.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with