_ngayon
^

Metro

2-week free ride sa LRT-2 mula Santolan hanggang Antipolo Stations – DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Simula bukas

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na magsisimula na sa Lunes, Hulyo 5, ang pagkakaloob ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng dalawang linggong libreng sakay sa mga train commuters, mula sa Santolan Station sa Pasig City hanggang sa Antipolo Station at pabalik.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay alinsunod na rin sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, na sinang-ayunan naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade, na magbibigay muna ng libreng sakay ang mga bagong istasyon ng LRT-2, sa isinagawang inagurasyon ng LRT-2 East Extension Project kamakailan.

Sinabi ng DOTr na nais muna nilang iparanas sa mga pasahero ang ginhawang maidudulot nang paggamit ng dalawang bagong istas­yon ng LRT-2 upang gamitin nila ito at nang makatulong upang mabawasan na rin ang traffic congestion sa mga lungsod ng Marikina, Pasig, at Antipolo.

Anang DOTr, kaya ng dalawang bagong istasyon ng LRT-2 na kinabibilangan ng Marikina-Pasig at Antipolo stations, na mag-accommodate ng karagdagang 80,000 pasahero sa sandaling maging full operation mode na ang mga ito.

Dahil dito, mula sa dating daily ridership na 240,000 ay aabot na sa 320,000 ang mga pasaherong kayang isakay ng LRT-2 araw-araw.

Bukod dito, dahil rin sa naturang proyekto ay inaasahang iikli na rin ang travel time mula Recto sa Maynila hanggang sa Antipolo, Rizal ng 30 hanggang 40 minuto, mula sa dating tatlong oras kung sasakay ng bus o jeepney.

Kabilang sa inaasahang makikinabang sa naturang proyekto ay ang mga estud­yante na nag-aaral sa University Belt areas sa Maynila.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with