^

Metro

9 nasagip sa human trafficking sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
9 nasagip sa human trafficking sa Caloocan
Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula sa impormasyon na natanggap ni P/Lt. Melito Pabon hinggil sa umano’y laganap na online sexual exploitation ng mga menor-de-edad sa North Caloocan.
Philstar/File

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tau­han ng Northern Police District (NPD) ang siyam na kababaihan na kinabibilangan ng  walong menor-de-edad sa isang entrapment at rescue operations kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan City.

Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula sa impormasyon na natanggap ni P/Lt. Melito Pabon hinggil sa umano’y laganap na online sexual exploitation ng mga menor-de-edad sa North Caloocan.

Matapos mapatuna-yan ang ulat, kaagad isi-nagawa ng DSOU, NPD Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa pamumuno ni P/Maj. Vicky Tamayo, Sub-Station 9 comman-der P/Maj. Ha-rold Melgar, team mula sa Department of Justice-Inter-Agency Council Against Traffi-cking (DOJ-IACAT) at City Social Welfare and Development ang rescue operation saCongress Village Taas, Brgy. 173 dakong alas-6 ng gabi.

Nagawang marescue ang walong kabataang babae na edad 12 hanggang 17 at isang 18-anyos na dalaga na ginagamit umanong sexually exploitation sa pamamagitan online.

Naaresto rin ng mga pulis ang mga hinihina­lang mga bugaw na kinila-lang si John Mico Aten­di-do, 21, Chris Jayson Magbanua, 18 at isang 17-anyos na binatilyo.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with