_ngayon
^

Metro

Ilang commuters, nabulaga sa pagtigil ng libreng sakay ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulaga ang ilang commuters dahil sa pagtitigil na ng Department of Transportation (DOTr) ng kanilang programang nagbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa simula kahapon, Hulyo 1.

Ayon sa ilang commu-­ters, wala silang alam na matitigil na pala ang programa kaya’t hindi na­pa­g­handaan ito.

Nabatid na kabilang sa mga naapektuhan ng suspensiyon sa programa ay ilang manggagawa na umaasang makakalibre sila ng sakay sa pagpasok sa kanilang trabaho at ma-ging yaong mga nawalan ng trabaho at nag-a-avail ng libreng sakay sa pagha-hanap ng bagong mapagkakakitaan.

Nauna rito, nitong Hun­yo 30 ay napaso na ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na nagpopondo sa Service Contracting at Libreng Sakay program ng DOTr at ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) kaya’t kinailangan na ring itigil ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa.

Dahil dito, kailangan nang magbayad ng mga sasakay ng bus sa EDSA Carousel ng P13 hanggang P61 na one-way ticket, de­pende sa layo ng biyahe.

Samantala, aabot naman sa P120 ang kailangang bayaran kung balikan.

Sa kabila naman nito, marami pa ring mga pasahero ang sumasakay kahit na may singil na dahil wala naman anila silang magagawa kundi magbayad na lamang dahil ka­ilangan nilang bumiyahe at pumasok sa trabaho.

Nabatid na sa ngayon ay ibabalik na sa National Treasury ang mahigit P3 bilyong pondo ng DOTr na hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2 nang hindi na ito mapalawig pa.

Nangako naman ang DOTr at LTFRB na naghahanap sila ng pondo para maipagpatuloy ang programa.

Batay sa datos ng DOTr,  umaabot sa mahigit 27.9    milyong pasahero ang na­pagsilbihan ng pamahalaan sa ilalim ng naturang free rides program, mula Marso 29, 2020 hanggang sa Hun­yo 28, 2021.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with