_ngayon
^

Metro

CIDG iimbestigahan ang fixers sa bakuna

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
CIDG iimbestigahan ang fixers sa bakuna
Ito ay makaraang isiwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dalawang fixer ang nahuli sa lungsod. Naniniwala si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na hindi lamang ito nangyayari sa Pasig.
Stock image: Pexels

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umano’y fixers sa iskedyul sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito ay makaraang isiwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dalawang fixer ang nahuli sa lungsod. Naniniwala si Eleazar na hindi lamang ito nangyayari sa Pasig.

Ayon kay Eleazar, inalerto na rin niya ng lahat ng kanyang mga station commanders na makipag-ugnayan sa local goverment units upang agad na masawata ang mga nasa likod nito.

“I am directing the CIDG to investigate this scheme of vaccination schedule fixers in the different local government units,” ani Eleazar.

Sinabi ni  Eleazar na  modus ng fixer ng manghingi ng pera bilang kapalit ng mas maagang iskedyul namg pagtanggap ng bakuna. Aniya dapat masunod ang prioritization list sa pagtanggap ng COVID vaccine.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na huwag tangkilikin ang mga ilegal na operasyon dahil aniya libre ang bakuna.

Nanawagan si Eleazar sa publiko nang  pakikiisa dahil ginagawa na pamahalaan ang lahat ng paraan para mapabilis pa ang pagpapabakuna at maabot natin sa lalong madaling panahon ang herd immunity.

Umapela rin ang PNP chief sa mga may impormasyon ukol sa modus na ipagbigay-alam ito sa awtoridad. 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with