^

Metro

Pagbabakuna sa Taguig at Maynila, suspendido muna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suspendido muna ang ‘vaccination’ ng mga siyudad ng Taguig at Maynila dahil sa hindi pa magamit ang suplay nila ng Sinovac COVID-19 vaccines na wala pang ‘certificate of analysis (COA)’ na inilalabas ng manufacturer ng bakuna.

Sa abiso na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Taguig, suspendido muna ang ‘vaccination’ para sa una at ikalawang dose ng Sinovac umpisa nitong Hunyo 28.  “As of 12 noon, June 28, the DOH has yet to authorize the use of the vaccines we currently have in our cold chain facility; thus the need for cancellation of vaccination schedules,” paliwanag ng lokal na pamahalaan.

Kahapon, inihayag din ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kanilang social media pages ang kanselasyon ng ‘vaccination’ gamit ang Sinovac maging ang second dose vaccination gamit ang Sputnik V vaccine.

Sinabi ni Manila Public Information Office head, Julius Leonen na magbabalik ang ‘vaccination’ sa oras na mailabas na ang ‘COA’ para sa 400,000 doses ng Sinovac vaccines na nakaimbak sa kanilang ‘cold storate facilities’ o kaya naman ay kapag may dumating na bagong suplay mula sa nasyunal na pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang COA ay patunay ng manufacturer na may mataas na kalidad ang bakunang kanilang prinodyus.  Karaniwan umano na huli nang dumarating ito at kailangan lamang maghintay ng mga lokal na pamahalaan bago ito ipamigay.

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with