^

Metro

‘Tulak’ huli sa P4.7 milyong shabu sa Navotas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
âTulakâ huli sa P4.7 milyong shabu sa Navotas
Kinilala ni Navotas City Police Chief P/ Col. Dexter Ollaging ang nahuling suspect na si Saipoden Guinal, alyas Saipo, 31, Brgy. 383 Quiapo, Manila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang isang pinaghihinalaang notor­yus na drug pusher  kasunod sa pagkakasamsam sa P4.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy- bust operation sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas City Police Chief P/ Col. Dexter Ollaging ang nahuling  suspect na si Saipoden Guinal, alyas Saipo, 31, Brgy. 383 Quiapo, Manila.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.,  bandang  alas-8:07 ng gabi ng magsagawa  ng buy bust operation laban sa  suspect sa kahabaan ng C4 Road., Brgy. BBN ng lungsod.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng suspect.

Nang makumpirmang positibo ang report ay agad na ikinasa ang operasyon laban kay Guinal.

Isang undercover agent ang nagpanggap at nakipag-deal na bibili P39,000 halaga ng shabu sa nasabing notor­yus na ‘tulak’ sa lugar.

Kasalukuyang tinatanggap ng suspect ang marked money  na hudyat para dakpin ito ng arresting team na nakapalibot sa napagkasunduang lugar ng transaksyon.

Nakumpiska mula sa suspect ang tinatayang nasa 700 gramo ng shabu na may standard drug price na P4,760,000 at buy-bust money.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa laban dito sa Navotas City Prosecutors Office.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with