^

Metro

‘Drive-thru vaccination facility’, itatayo ng Makati Med. Center

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
âDrive-thru vaccination facilityâ, itatayo ng Makati Med. Center
Sinabi ni MMC Medical Director Dr. Saturnino Javier na ang ‘drive-thru facility’ ay itatayo sa Convergys open parking area na kadikit lamang ng pagamutan.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag ng Makati City Medical Center (MMC) ang planong pagtatayo ng sarili nilang ‘drive-thru vaccination facility’ bilang bahagi ng kanilang pag­laban sa COVID-19.

Sinabi ni MMC Medical Director Dr. Saturnino Javier na ang ‘drive-thru facility’ ay itatayo sa Convergys open parking area na kadikit lamang ng pagamutan.

Magkakaroon ito ng 12 parking slots at inaasahan na matatapos ang pagbakuna sa isang pasyente sa loob lamang ng 27 minuto.  Planado na umano kung saan paparada ang mga pasyente at kung paano sila mamo-monitor matapos ma-bigyan ng bakuna.

Pero nilinaw ni Javier na hindi tulad ng ibinibigay ng pamahalaan na libreng bakuna, magbabayad umano ang mga pasyente na nais magpabakuna sa kanila dahil sa bibilhin rin nila ang kanilang magiging suplay.

Ibabase naman umano ang presyo sa itinatakda ng pamahalaan at dadaan sa regulasyon. Hindi umano nila layon na kumita sa pagba­ku­na sa Pilipino ngunit layon lamang na ma­kadagdag sa pagpapabilis ng vaccination sa bansa.

Ipinagmalaki naman ng MMC na nasa 98% na ng kanilang mga staff ang nabakunahan na kontra COVID-19.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with