^

Metro

Ammonia leak sa cold storage sa Caloocan, naagapan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ammonia leak sa cold storage sa Caloocan, naagapan
Mabilis namang nakares­ponde ang mga tauhan ng Caloocan City – Bureau of Fire Protection (BFP) at agad ding naagapan ang nasabing leak. Pinatay ang mga main at secondary valve na dinadaanan ng nakalalasong kemikal.
KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Isang cold storage sa Caloocan City ang nagkaroon ng ammonia leak, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Orca Cold Storage na matatagpuan sa kanto ng Dagat-Dagatan Avenue at Tanigue St., Brgy. 14 ng nasabing lungsod.

Ilang mga tauhan ng nasabing pasilidad ang sumigaw na may nangangamoy umanong ammonia kaya agad na nakahingi ng  tulong sa mga kinauukulan ang pamunuan ng nasabing pasilidad.

Mabilis namang nakares­ponde ang mga tauhan ng Caloocan City – Bureau of Fire Protection (BFP) at agad ding naagapan ang nasabing leak. Pinatay ang mga main at secondary valve na dinadaanan ng nakalalasong kemikal.

Lumabas sa imbestigas­yon na nagmula ang leak sa isang nakabukas na pipe sa parte ng storage na under construction pa. Dineklara itong contained o napigilan dakong alas-8:31.

Ayon sa BFP, hindi pa tuluyang nagbubukas ang storage facility dahil nasa testing and commissioning stage pa ito.

Pinayagan nang bumalik ang mga trabahador pero pinaiiwas sa kanila ang baha­ging naapektuhan ng tagas.

Wala namang  naiulat na naapektuhan sa insidente. Gayunman, patuloy pang iniimbestigahan kung paano nagkatagas sa pasilidad, katulad ng kung lumuwag ang valve.

Matatandaang nitong Pebrero, namatay ang 2 trabahador ng isang ice plant sa Navotas City at naospital ang 90 katao kasunod ng ammonia leak sa planta.

Noong Mayo, nagkatagas din sa isang planta ng yelo sa Parañaque pero walang nasaktan.

vuukle comment

CDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with